Artwork

Isa sa trabaho ng yaya e gawin kung ano ang ginagawa ng batang inaalagaan niya, walang nilayo sa ina na mayroong anak na pre schooler o nasa mababang baitang ng elementarya.  Katulad ng alaga ko na biglang naisip na magkulay pagkatapos mabagot sa I spy game dahil sampung beses na siyang sunod sunod na nanalo habang abalang-abala naman ako sa pagpindot ng iphone game apps ko.

Madalas, magkukulay siya ng  mala-manila -paper na drowing tapos ipapasa niya sa kin dahil sa “mas mahusay” daw akong magkulay pero kanina wala siyang maibigay sa kin  na kukulayan kaya binigyan niya ako ng isang blangkong malaking papel.

Wala akong talento pagdating sa pagdodrowing, una parang pintor pa na umiindayog-indayog yung mga kamay ko na sinasabayan ng sayaw yung krayolang hawak ko.  Pilit nitong ginuguhit yung napakagandang paru-paro na nahagip ng mata ko sa iphone ko.  Pinalilibutan ito ng mga hugis pusong kung anu-ano.

Sa totoo lang nababato ako.  Minsan naiisip ko na bumili ng coloring book at mga krayola  sa panahon na pakiramdam ko e nakakabagot ang buhay ko, yung sketch pad para tignan kung may kakayahan akong lumikha ng obra maestrang drowing? malabo.

At dahil nga nababato ako, isa isa kong ineskrima ang mga krayola sa papel, may hugis ng kung anu-ano na hindi mo maiintindihan.  Yung bata, naaliw yata. Amazed na amazed sa salita nila.  Sabay sabay niyang hinawakan yung mga krayola at sabay sabay niyang inumang sa papel ko.

Naks, nagkaroon tuloy ako ng obra maestra.

Isang MALAKING lol! hehehehe! Kumusta naman dyan?

Viewed 112797 times by 5911 viewers

Leave a Reply