Bago ko ipikit ang mga mata ko….

Hindi yung ipikit ng tuluyan….hindi yung pikit na may kasamang hingalo tapos biglang nalagutan ng hininga…hindi yung katulad ng kwento ni Yanah.

Bago ko ipikit ang aking mga mata, isang post lang……isang isang post lang, tapos sabay GOOD NIGHT!

Medyo gusto kong i adjust yung oras, ilayo ng konting konti sa oras ng kompyuter ko na ala una singkwenta’y dos ng madaling araw.  Mula sa mga oras na ito hanggang sa mga susunod na segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon…..pangako hindi ako sasablay.

Sayang kasi yung binayad ko sa hosting. LOL!

At bago ko ilapat ang mga likod ko sa kutson, plugging lang ng blag ng aking unika iha na medyo kailangan pang kinisin ang template, at syempre ang photoblog ng aking byenang hilaw.

Ang aking byenang hilaw, nakakatuwa.  Kung bibisitahin nyo ang About Me page nya, yung ika-labing tatlong apo niya syempre e yung aking unika iha, ang nag iisang tan o may kayumanging kulay sa labing tatlong tinatawag nyang mga apo.

Nagulat ako noong nilapitan niya ako at tinanong kung sino yung nasa digital photo key chain niya, noong pinagkatitigan ko e si Aya pala.

Nakakatuwa na sa pamilyang puti na madalas kong makasama sa tuwing sasapit ang weekend ay bukas ang dalawang kamay pati na ang puso sa aming dalawang mag-ina.

(Ang litrato ay galing sa http://images.clipartof.com)

Viewed 121829 times by 6417 viewers

Leave a Reply