Visiting Paoay Church in Ilocos Norte for the first time

One of the more important tourist destinations that I failed to visit 2 years ago was the San Agustin Church or more popularly known as the Paoay Church in the town of Paoay Ilocos Norte

paoay church  00025

Paoay is one of the four Baroque Churches in the Philippines that has been inscribed as a UNESCO World Heritage Site.

The church in Paoay was built in 1694 under the orders of Augustinian Friar Antonio Estavillo. The Paoay Church was completed 1710. It is made of baked bricks and coral stones. Large buttresses were built on its sides to prevent it from falling down during earthquakes.

paoay church  00003

The lower level of the church was built using the bricks while the upper level has corals. The belfry, which sits a few meters away, is also made of coral stones. The bell tower has been used by the Katipuneros as an observation post during revolution era.

Seeing the Paoay church for the first time is an exhilarating experience. It was a dream come true for me to see these lovely church. When we went there, we were the only tourist at the site. So the whole church was all ours to enjoy! Picture here and picture there. Until I finally got tired and took a quick burger break at one of the burger stalls beside the church.

paoay church  00001

I really do not know who allowed these two burger stalls to operate just a few meters away from the sides of the church. I am not sure if the National Historical Institute is aware that these structures were built just beside the church buttresses.

Well, I am not really against these two burger joints, I just hope that the local government unit of Paoay could relocate them near the church but not too close to the heritage structure.

paoay church  00017

You like reading this blog post? You might also be interested in BYAHILO's other adventures at Sugarloaded!

Visiting Paoay Church in Ilocos Norte for the first time

Eksena

May nakikita akong isang eksena sa isip ko.  tipikal na eksena sa mga hindi mo naman tyak na magugustuhang palabas na pinoy.  Isang restaurant na may dalawang babaing nag-uusap, mga boses na pumupuno ng ingay sa loob ng buong restaurant kasabay ng pagtunog ng mga kubyertos na ginagamit ng iba pang kostumer.

Pagkatapos iikot ang ang kamera, iikot ng iikot hanggang sa huminto sa dalawang bidang babae at lalaki. O pwede ring bidang babae at alalay na babae. Nag uusap ng walang kwentang bagay na syang pag-iikutan ng istorya.

Tipikal na pelikulang pinoy na kikita ng malaki sa mga sinehan.

Syempre hindi yan eksenang ako ang gumawa, masyado ng gasgas yan sa maraming pelikula.  Pero kung iisipin mayroon akong mga sariling bersyon o sariling plot na naiisip.  Mga plot na tinatahi-tahi ng marahil ay pagal kong mga utak.  Mga plot o eksena na hindi pinag aksayahang ilagay sa papel o itipa sa isang taypwayter.  Mga eksenang kalaunay naging mga naburang ala-ala na nakatala sa isang imbisibol na diary, mga kwento ng buhay  na hindi naman totoong  naganap o mga kwentong gusto mong maganap pero malabong maganap.

Yan ang nagagawa ng madalas na paglalakad ng walang patutunguhan o di kaya naman ng mga gabing hindi mo alam kung kailan ka dadapuan ng antok.

Pero yung eksena pagkatapos ng Bagong Taon, iba syempre.

Habang nakasuot ako ng robe na ginagamit ng mga pasyente at nakahanda na ang pagsasaksakan ng IV sa mga kamay ko, masigla ang isang puting mama na nakikipaghuntahan sa akin sa waiting room.  Siya nag-aantay na matapos ang operasyon ng asawa niya, ako naghihintay na matapos ang operasyon ng asawa niya para sumalang naman sa operating table.

Ang sabi ng matanda (trinansleyt sa Pilipino),” kung kumakain ka ng isda, hindi ka magkakaganyan.”

“Lumaki po akong mangingisda ang mga magulang ko, masarap po ang isda, iyan po ang laman lagi sa hapag kainan namin”, sabi ko (tama ba ang posisyon ng kudlit?)

“Pero matigas po ang ulo ko e”, dagdag ko.

Sa loob ng isa’t kalahating oras, naging mistulang kaibigan sya na naglalayo sa akin sa pag-iisip na nandoon ako para operahan, habang binubutas naman ng mga doktor at nurse ang dibdib ng asawa niya.

Pagdating ng nurse na siyang magpapasok sa akin sa operating room, siya namang madamdaming yakapan namin ng aunty ko at kasama sa bahay.  Walang iyakan, hindi kami masyadong madrama.  Parang kailangan lang magyakapan sa sitwasyon na ganoon.

Tatawa tawa ako habang nakasunod sa nurse na siyang humihila ng bed na gagamitin ko, sabi ko sa kanya ” sana katulad lang to ng panganganak ano?”

“Oh this is not worst than that”

Mababait ang mga tao sa operating room, kalmado ang lahat kahit na sabihin pang duguang lumabas ang asawa ng matandang kausap ko kanina sa waiting room.

Bawat isa may nakahandang ngiti sa akin, mga salita ng pangungumusta at mga tanong kung may kailangan ako o mga tanong na kailangan nilang sagutin.

Ang sabi ko lang  “Please take care of me”, naalala ko kasing may namatay na pinay na may kaparehong sitwasyon sa akin noong nakaraang taon.

“Of course, that’s why we’re here, we’ll going to take care of you.”

Parang hindi ko na matatapos ang eksenang ito, sa totoo lang sumasakit na ang pwet ko kauupo lol!

Heniways, ipinaalam ng nurse na isasaksak nya na ang IV, may ilang mga kable na idinikit sa likuran at dibdib ko pati na sa sentido ko.  kinabit ang blood pressure machine sa mga bisig ko at sabay tinanong ng “how do u feel?” ng isang nurse.

“I feel sleepy”, sabi ko

“Okay, we want u to do that”, sabay lagay ng oxygen sa bibig at ilong ko.  “Now have a deep breath.”

Naalala kong bago ako mawalan ng malay, tumawa tawa pa ako habang sinasabing.  I only watch this on Grey’s Anatomy and E.R.

Patlang………………………

Mahabang patlang………………….

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Viewed 46 times by 20 viewers

Ang kalakaran sa DOJ

Sa paglilibre ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang sarili sa kaso nitong “Alabang Boys”, kailangan niya ilalaglag ang kanyang mga tauhan.

Kunwari pina-imbistigahan niya ang napabalitang suhulan sa pagpalaya sa mga “Alabang boys” na sina Richard Brodett, Jorge Joseph and Joseph Tecson. Ngunit binira rin niya ang Philippine Drug Enforcement Agency lalo pa si Maj. Ferdinand Marcelino kung bakit raw hindi hinuli ang nagtangkang sumuhol sa kanila.

Si Marcelino pa ang may kasalanan. Pambihirang buhay naman ito.

Sinabi ni Marcelino na binigay niya ang ibang detalya ng tangkang panunuhol sa executive session ng committee ay iyon ay confidential. Sinasabi ni Marcelino na madali lang sabihin na “bakit hindi mo hinuli, bakit hindi kayo ng entrapment operation” ngunit hindi madali yun.

Isa dahilan, sa text pinadaan ang bribe try. At hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon ng entrapment sa dami at bilis ng mga pangyayari.

My ilang minuto sa hearing kahapon sa House of Representatives na si Gonzalez ang nagtatanong kay Marcelino. Bakit ganun? Pareho silang resource persons doon. Dapat ang nagtatanong ay ang mga congressmen na miyembro ng committee. Mabuti lang pinahinto ni Rep. Roilo Golez.

Para lumamig ang ulo ng mga tao doon, isinalang ang dating artista na si Dave Brodett, ang kanyang asawang si Marisa at ang kanilang anak na Anthony na nagsabing totoo na drug user at pusher talaga si Richard. At kinukunsinti pa raw ng magulang, lalo na ng nanay.

Magsasalita na sana si Marisa Brodett tungkol sa suhulan kaya lang naisip niyang kumunsulta muna sa abogado.

May isang tanong si Atty Alvaro Lazaro na paulit-ulit tinatong rin ng ibang congressman: “Ano ba ang kalakaran sa DOJ?”. Ang ibig sabihin ng kalakaran ay karaniwang gawain.

May koneksyon ang tanong na ito ni Lazaro sa Memorandum Circular 46 ng department of Justice na pinalabas noong Hunyo 2003 ni dating Justice Secretary Simeon Datumanong na lahat na kasong lampas sa limang taon na pagkakulong ang sentensya, lalo pa sa kaso ng smuggling at droga, kailangan may automatic review ng secretary of justice.

Binalewala kasi ng mga DOJ prosecutor itong Memo Circular 46 at nagpalabas ng resolusyon na wala raw dahilan para sampahan ng kaso sina Brodett, Joseph at Tecson at maari nang palabasin bago mag-Pasko. Pinanindigan ni State prosecutor John Resado, Senior State prosecutor Philip Kimpo at Chief State Prosecutor Jovencito Zuño na ang “kalakaran” daw sa DOJ ay pinapalaya na ang mga suspek kapag may resolusyon na pabor sa kanila kahit hindi na-review ng secretary of justice.

Magkano naman kaya ang presyo ng “kalakaran” na yun?

Dahil nga na eskandalo na ang kaso nitong “Alabang boys”, nagpalabas raw ng order si Gonzalez noong, Jan. 5, na lahat ngayon ng resolusyon ay kailangan dumaan sa kanya. Noong Lunes lang yun.

Sa tingin ng madla, may nangyari talagang bayaran sa DOJ. Hindi lang kina Zuno, Kimpo, Resado.

‘Yan ang kalakaran.

Wait, there’s more!: Get cheap domain & hosting from plogHost Powering Ellen’s blog since 2005.