Kasilyas

Ang pagkaka-alam ko sa malalim na tagalog na ito ay inidoro o di kaya nama’y palikuran, kahit ano sa dalawa, isa lang ang ibig sabihin nyan.  Washroom, comfort room o minsan ginagawang bath room.

Naisip ko yung kasilyas namin noong bata pa ako, unang sariling bahay na natandaan kong tinawag kong amin.  Mula sa pagrerenta buwan-buwan ay naging amin dahil sa reblocking noon ni Marcos sa Tundo.

Wala itong inidoro kaya may lagi kaming handang dyaryo at plastik  bag na paglalagyan ng binalot na, alam mo na tapos sabay bato sa ilog.

Noon din, kapag umuuwi kami ng Abra, probinsyang kinalakihan ni nanay, mayroong palikuran ang tyuhin ko na hiwalay sa bahay.  Nasa likod bahay ito.  Napapalibutan ng sawali at may pinto na pwede mong isara kapag gagamitin mo.  Ang maganda nito, mayroon siyang inidoro na nakatanim sa lupa, aktwali yung inidoro e hinukay na lupa lang tapos nilagyan ng mga kahoy ang palibot ng butas kaya kahit papano okey na rin.

Katabi lang ito ng kalsadang pataas sa bundok, ang problema walang bubong ang kasilyas kaya kapag may dumadaan at may ginagawa kang milagro sa kasilyas, hindi lang amoy na amoy ang milagro mo kundi kitang kita pa pati ang pag iri mo.  Sagwa!

Ang tanong, bakit ko naisip iblag ang kasilyas?

Una, natawa ako sa isang apps sa facebook, may nagka interes sa aking sang rekwang larawan sa isang dating apps (hehehe opo, hindi ko alam kung ano ginagawa ko sa apps na yun pero meron nga ako nun - walang pakealamanan)  na Casillas, bigla ko tuloy naalala ang aming pinakamamahal na madilim na kasilyas sa tundo.

Pangalawa, kung ang kasilyas ay tinatawag ding inidoro na ang kolokyal na katawagan ay trono (ano nga ba ulit ang ibig sabihin ng kolokyal?), gusto kong ibalita na ang manilenya.com po ay nakasukbit ng pang anim na inidoro este trono sa Top 10 Pinoy Expat/OFW Blog Award 2008.

Maraming salamat po sa mga bumoto, magandang regalo ito sa ikatlong anibersaryo ng manilenya.com noong nakaraang Disyembre 23.


Viewed 8 times by 4 viewers

Leave a Reply