My good names….

Pag isinalin sa Filipino….ang aking mabait na pangalan, tama ba ko?

Tinag ako ni isagani aka Chito pero ang tunay na pangalan ay Christian.  Parang ako ba, may ilang pangalang nakatali na yata sa pundya ng…..short ko.

Ito ang mga pangalang kusang ibinigay, ipinalit sa kusang ibinigay, pinilit na gamitin, at iniregalong pangalan (mayroon bang ganun?)

1.  Annalyn - ang ibinigay na pangalan sa akin ng mga magulang ko, noong mga panahon na yun..wala pa akong karapatang umayaw kaya ayaw ko man….pangalan ko na siya.

2.  Nalen- nickname sa bahay—-tinamad na yata at tinanggal na yung A…mas gusto ko sya.

3.  Tinalen - tawag ng mga nakababatang kapatid at pinsan, pati na rin ng tatay ko sa akin.

4  Arnie -ito yung gamit kong pangalan noon sa kolehiyo.  May maigsing kwento rito.  Mga bagong gradweyt ng high school syempre pa epek pagdating sa kolehiyo, lima kaming magkakaklase na nagkasundo na maari kaming maging tropa at magkasama-sama sa lahat ng bagay sa loob ng klase kasama na ang pagbubulakbol.  Naisip lang naming medyo gandahan ang mga pangalan namin…maganda ang mga pangalang lalaki para sa amin..cool kunwari ang dating at napili ko ang Arnie.  Mula noon, ako si Arnie.

5.  Melai - pangalang ginamit ko sa mIRC.  Dati po akong adik na chatatista..gising disisais hanggang bente oras.  Kundi laman ng chatroom, laman naman ng mga bar sa Mabini, Taft, Ortigas, Makati, at Recto (hehehehe), o di kaya naman e mga bahay ng mga kapwa ko adik.  Yang pangalan na yan, hinack ng isang chatter para ipalit ko sa ginagamit ko noong melai^^, pero kapalit naman ng regalong pangalan na yan e ang pagtawag nya sa aking isang malaking UNGGOY! (kups sya kung saan man sya naroroon!)

6.  Antoinette Cervantes - bago pa ang melai na madalas kong sabihing tunay na pangalan ko ay ito muna.  Ayaw ko kasing magpakilala ng tunay kong ako, kaya ako si Antoinette Cervantes.  Kung hindi melai ang tawag sa aking ng mga kaibigan noon na nakilala sa IRC (hanggang ngayon mga kaibigan ko pa rin sila pramis) ay nette.

7.  Manilenya - pangalan ba siya?  basta….ako si MANILENYA ang batang Tundo.

Ngayon, pwede ko kayang malaman ang iyong mga good names Meiyah? sensya na, nakita kita sa cbox ko e at Edel?

Viewed 556 times by 139 viewers

Leave a Reply