Mamimiss ko ang Tundo

Buti pala nagtagpo kami ni bunso online, sa wakas nagkatagpo rin kami. Ang hirap talaga ng magka-iba ang oras. Sabi ko nga noon ibang mundo na tong pupuntahan ko. Ayun nalaman ko na iiwan na pala ni nanay at ni tatay yung lupang ipinanganakan at kinalakihan ko. Mamayang madaling araw ay lilipat na sila sa Bulacan. Paalam Tundo na pala ang drama ko. Sa muling pag-uwi ko hindi na tatapak ng matagal ang Chuck Taylor kong di nilalabahan (pwera na lang kung matapakan ko ulit ang ebs ng aso ng kapitbahay). Hay naalala ko yung kanan lang pala ang nalabahan ng isang beses, ayaw ko pa sanang labahan pero kusang tinanggal ni Ate Emily, nahiya siguro dahil aso nga nya ang nagkalat.Nag google ako ng Velasquez, Tondo dahil sa taga roon ako at ito ang tumambad sa akin.

(more…)

Leave a Reply