I am sorry about your loss

Hindi ko alam kung napakawalang puso ko nung makita ko yung sampung komento ng condolences sa pagkawala ni Rags, ang anim na taong aso ng me ari ng blog na na-stumble ko mula sa Entrecard dahil sa halip na magkomento rin ako ng “I am sorry about your loss” e eto ako natatawa (hindi naman masyadong nakatawa) pero muntik ko ng sabihing “I know the feeling” kahit na hindi ko naman aso yung namatay na alaga ng dalawa kong kapatid noong mga bata pa kami.

Si Olive ang napakagandang aso ng dalawa kong kapatid ang isinisagot ko madalas sa mga secret questions ng password (o ayan kung sino man ang interesado sa password ko lol!) kahit na hindi naman sya sa akin at kahit na sobrang nandidiri ako sa mga iniiwanan nyang dumi sa sahig, sa kama at sa kung saan saan pang bahagi ng bahay.

Noong tinanong ako minsan ng amo ko bago dumating ang alaga nilang aso na siyang gagamitin nila sa paghuhunting kapag lumaki na kung gusto ko daw ng aso, isang malaking sagot na I DON’T LIKE DOGS AS MUCH AS I DON’T LIKE CATS. Pero wala akong magagawa, ilang bwan na ang aso at medyo malaki na sa bahay ng pinagtatrabahuhan ko. Wala sa magiging kontrata ko ang mag-alaga ng hayop at sinabing responsibilidad daw iyon ng panganay na anak, pero mukhang iba ang nakikita ko ngayon.

Sweet na kung sweet ang aso pero ayaw kong makipaglaro sa kanya habang nakikita kong bumubuka ang bibig niya. Parang gusto kong palitan yung titulo ng kanta na Ayaw ko ng Baboy ng Ayaw ko ng ASO! Pero masarap siya, in peyrness lol!

Leave a Reply