Kahapon, nagkaroon ng landslide sa mountain highway ng Antique papuntang Iloilo kaya nag-detour ang mga sasakyan sa daan ng Anini-iy.
Naging apat na oras ang biyaheng karaniwan ay tatlong oras lang.Mabuti na lang maaga ako umalis sa aming barrio (4:00 n.u), hindi ako nahuli sa aking 10:25 ng umaga na flight papuntang Manila.
Maraming ilog na nadadaan sa pagitan ng Antique at Iloilo. Sa aming dinaadan kahapon maraming tulay ang inaayos. Mabuti naman sana dahil ginagawa kaya lang ang nakakainis ay nag naglalakihang billboard na may mukha ni Gloria Arroyo at Public Works Secretary Hermogenes Ebdane.
Sa apat na oras na biyahe sa bakung-bakong kalsada s mga sampung billboards nina Arroyo at Ebdane ang bumubulaga sa dumadaan.
Halatang gustong kumandidato itong si Ebdane sa eleksyon sa 2010. Ang balita, pagka senador daw. Si Arroyo naman alam na ng lahat na ayaw niyang umaba sa kapangyarihan.
Gusto palabasin ni Arroyo at Ebdane na utang na loob natin sa kanila ang pag-ayos ng mga kalsada at tulay. Akala nila naloloko nila tayo.
Bakit natin magiging utang na loob a kanila ang paggawa ng kalsada at tulay. Pera natin yun. Trabaho nila ang magpaggawa at sinuswelduan sila para gawin ang trabaho nila.
Akala nila hindi natin alam na nag laki ng kinikita nila sa mga proyekto na yan. Akala nila siguro nakalimutan na natin ang eskandalo sa mga road projects na ginagastusan ng World Bank kung saan lumabas na maliit lang na porsiyento ng perang nakabudget sa ang napupunta sa projects. Malaging bahagi ay napupunta sa mga bulsa ng mga ganid a opisyal.
Sabi nga ng katabi ko sa van, bakit kasi kung kailan tag-ulan saka magpagawa ng kalsada. Lumambot tuloy ang maraming bahagi ng bundok. Biruin nyo, bundok, binabaha.Alam naman nila na ang buwan ng Hunyo at Hulyo ay maulan.
Kaya dapat kasali si Ebadane sa kaso na isinampa ni Atty. Ernesto Francisco sa Ombudsman labat sa mga opisyal na gumagamit ng pera ng taumbayan sa kanilang mga personal na advertisements. Ang mga kinasuhan ay sina Health Secretary Francisco “DOH-K” T. Duque III, Defense Secretary Gilberto “Gibo” C. Teodoro, Jr., Education Secretary Jesli A. Lapus, Vice-President Noli L. De Castro, Tesda Director General Augusto “Tito Boboy” Syjuco, PAGCOR Chairman Efraim “Kuya Efren” C. Genuino, at Agrarian Reform Secretary Nasser C. Pangandaman.
Isinama rin si Executive Secretary Eduardo R. Ermita para kay Gloria Arroyona sa ngayon ay immune sa mga kaso dahil siya ang nakaupong president, kahit ninakaw niya ang puwesto.
Sinabi ni Atty. Francisco na kailangan magbigay sila ng kumpletong kwenta ng perang ginastos sa mga advertisement na ito.
Wait, there’s more!: Buy her a gift this Valentines! or send her flowers!