Mabuti naman at sinabi ni US Defense Secretary Robert Gates Jr. na walang posisyon ang Amerika sa problema sa Spratlys kasi akala kasi ng maraming Pilipino na kapag magkagulo sa Spratlys laban sa China, kakampihan tayo ng mga Amerikano.
Wala tayong maasahan sa mga Kano, yan ang katotohanan.
Ito ang sinabi ni Gates sa press conference kahapon sa Camp Aguinaldo pagkatapos ng pag-uusap niya kay Defense Secretary Gilbert Teodoro: “There are a number of security challenges and obviously concerns on conflicting claims in the South China Sea, the United States takes no position on those claims, we only urge all of the parties involved to try and resolve these issues clearly, peacefully.”
Tinanong din si Gates tungkol sa Visiting Forces Agreement na binabatikos ng mga progresibong organisasyon at sabi niya comportable daw sila sa VFA. Dapat lang dahil nagagamit nila sa proteksyun ng kanilang mga sundalo kahit na binabastos na ang batas ng Pilipinas na pinapayagan naman ang ating mga opisyal.
Ang relasyon pangseguridad ng Pilipinas at Estados Unidos ay nakabase sa 1951 Mutual Defense Treaty o MDT. Ito ang isang provision ng MDT: “Each party recognizes that an armed attack in the Pacific Area on either of the parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common danfers in accordance with its constitutional process.”
Sa unang basa mo, maaring sasabihin mo na ang pinagkasunduan ay kung magkagulo sa Spratlys dahil limang bansa ang nag-aangkin ng mga isla doon kasama na ang Pilipinas, China, Vietnam, Taiwan, Malaysia, at Brunei makiki-alam ang Amerika.
Sinasabi kasi ng China na pagmamay-ari nila ang buong South China Sea at talagang nag-iingay sila kapag tinutulak ng ibang ibang bansa ang kanilang pagmamay-ari sa mga sila doon. Inukupa nila ang Mishief Reef na ina-angkin ng Pilipinas. Ilang beses na naggirian doon sa Spratlys na mga tropa ng Intsik ang sangkot.
Akala natin, kapag may gulo doon sa Spratlys at sangkot ang Pilipinas at China kakampihan tayo ng U.S dahil sa MDT. Klaro ang sabi ni Gates: wala silang posisyon.
Hindi tayo kakampihan ng U.S laban sa China dahil malaki ang pakinabang nila sa mga Intsik. Ang laking negosyo ang binibigay ng China sa Amerika. Katiting lang ang Pilipinas.
Ang VFA, ang nagbibigay ng legalidad ng pagpunta dito sa Pilipinas ng mga sundalong Amerikano para sa mga Balikatan exercises at iba pang aktibidades, ay implementasyon ng MDT.
Kaya lang, isipin natin, ano ba ang banta sa ating seguridad? Kung hindi natin maasahan ang Amerika sa Spratlys, saan nila tayo tutulungan? Ano ang pakinabang natin sa VFA?
Wait, there’s more!: Don’t have Paypal yet? What are you waiting for? Sign up now!