De Castro: GMA Jr?

Sa kanyang pag-anunsyo na gusto niyang kumandidato bilang bise-presidente, sinabi Interior Secretary Ronaldo Puno na “transformational politics” ang kanyang pairalin.

Ano yun? Tansform para sa mas matinding kurakutan at dayaan?

Ngayong araw, gagawing pormal na raw ang pag-iisa ng Lakas-CMD at Kampi, ang dalawang maka-administrasyon na partido. Si Gloria Arroyo daw and chairperson at siya ang mag-appoint ng interim officers. Kaya tatak Gloria Arroyo talaga itong pinagsanib na partido.

Hindi naman nakapagtataka kung pakinggan mo ang pananalita ng mga opisyal ng Lakas at Kampi, ang kanilang pinagyayabang at ang lakas ng kanilang organisasyon at “resources”. Ang ibig sabihin ng “resources” ay pera ng bayan, pera natin na maari nilang gamitin para sa eleksyon.

Wala sa usapan ang pagbabago sa moralidad at pagsasa-ayos ng pamahalaan. Dapat nga siguro ang kanilang slogan at “tuloy ang ligaya.”

Si Noli de Castro ang kanilang guest speaker so malamang na si De Castro ang kanilang gustong magiging kandidato para presidente. Si De Castro kasi ay walang sariling partido at nanalo sa pagka-senador noong 2001 bilang “independent” na kandidato.

Sa prinsipyo, wala namang pinag-kaiba si De Castro kay Arroyo. Wala pang garapalang kurakutan ang nakadikit sa kanyang pangalan (kahit na supporter niya pala si Celso delos Angeles ng Legacy). Ngunit wala naman siyang imik sa garapalang kurakutan nina Arroyo.

Walang dudang papayag si De Castro na siya ang standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD kung makakatulong sa kanyang kandidatura ang madikit kay Gloria Arroyo ang pangalan niya. Kung siya na ang presidente ng pinagsanib na partido ng mga maka-Gloria, siguradong ipangako niyang prutektahan si Arroyo sa galit ng taumbayan kapag wala na sula sa Malacañang. Gusto ba ng taumbayan yan?

Ang kapalit naman sa pangako na yan, gamitin ang makinarya ng dalawang partido, kasama na ang gobyerno at pera ng taumbayan para sa kanyang kandidatura. Mabigat yan.

Kung si Puno ang kanyang kuning bise-presidente, sigurado na ang dayaan. Hindi lang siguro sa Cebu at sa ARMM, pati pa sa Comelec.

Paano na lang si Defense Secretary Gilbert Teodoro? Sabi ng ibang report, pwedeng Noli-Gilbert.

Sabi naman ng iba, baka Teodoro-Puno raw ang administrasyon. At magkakaroon ng independent na grupo sina De Castro at Kiko Pangilinan.

Mas naniniwala akong makukuha nina Arroyo si Noli de Castro. Hindi naman prinsipyo at kapakanan ng bayan ang pinag-uusapan kung di pansariling interes.

Ang hamon ngayon sa oposisyon ay ang magka-isa upang mabigyan katuparan ang hangarin ng sambayanang Pilipino na pagbabago.

Wait, there’s more!: Don’t have Paypal yet? What are you waiting for? Sign up now!

Bitstop to Open Multimedia Internship Program

Bitstop Inc is inviting interested students from around the world to join our Multimedia Internship program. This program will help Bitstop Inc’s pioneering role in the webcasts of Philippine content by developing 5.1 surround raBitstop dio broadcast on the web.

Key technologies include Microsoft Encoder, Silverlight, and exploring ways to delilver multi media content unto various targetted platforms.

Online Interview dates will be on June 1, 2009 from 2pm onwards. Interested parties are asked to click on this link: Multimedia Internship Program.

Bitstop to Open Social Networking and eBusiness Internship

Bitstop is inviting interested students from all over the world to join us in our Social Networking internship program. This program allows our interns to explore social networking technologies. Interns will also be exposed to other cultures as well.

Interns will have first hand experience not only in promoting websites via social networking sites, but also help in planning, provisioning and maintaining client web projects.

Click here for more details