Macao- mundo ng pantasya

the-venetian-gondola
Macau- Nakakatuwa pala dito sa Macao. Parang hindi ka umalis sa Pilipinas.Kahit saan ka mapunta may Filipino.

Bumili kami ng ice cream sa food court ng The Venetian nina Jullie Yap-Daza ng Manila Bulletin at Mandy Navasero ng Philippine Daily Inquirer. Filipina ang sales girls.

Sumilip kami sa Four Seasons, isang first class hotel katabi ng The Venetian, at ang doorgirl o tagabukas ng pinto ay Filipina. Maganda siya at magaling ang kanyang English diction. Dati raw siyang nagtatrabaho sa Legenda Hotel sa Subic bago siya nakuha rito sa Macau.

Sana ma-promote siya ay mailagay sa ibang posisyon dahil mukha naman siyang overqualified sa kanyang ginagawa na tagabukas ng pinto. Mahirap din ang ginagawa niya ha, May heels pa ang sapatos.

Naligaw kami at napapunta sa casino na mausok at itinuro sa amin ng isang Pinoy na empleyado doon ang daan palabas. Napakalagi kasi nitong The Venetian, parang iang siyudad.

Nagmeryenda kami sa Wynn Hotel at ang waiter ay taga-Negros.

Ngunit lahat sila nagsabi na nagtatanggalan na rin daw ngayon doon, epekto ng krisis pinansyal na tumama sa Amerika at kumalat sa halos buong mundo. Marami na rin daw ang mga Pinoy doon na walang trabaho at overstaying na rin ngaunit nagbabakasakaling makahanap ng trabaho.

Mahirap na raw ang mga istambay dito sa Macau dahil siksikan sa bahay ng kapwa Pinoy na may trabaho. At mahirap ditto dahil mahal ang bilihin ditto sa Macau.

Ang Macau ay parang mundo ng pantasya. Ito ang Las Vegas ng Asya. Ito ang gambling capital, hindi lang ng China kungdi ng buong Asya.

Sa The Venetian, para kang nasa Venice, kumpleto pati langit at alapaap at mga canal. Kapag gabi, sa old Macau, ang lumang distrito sa kabilang dagat, ang liwanag. Parang araw.

Kung turismo ang pag-uusapan, nakaka-inggit ang Macao. Ang daming bisita, karamihan galing China.

Magandang leksyon sa ibang bansa, lalo na sa Pilipinas, ang ginawa ng Macao na lalong lumago ang turismo nang naibalik ito sa China ng bansang Portulgal ng 1999. Akala kasi ng marami mamamatay ang ekonomiya ng Macao, na nakabase sa sugal, kapag nasa ilalim ng ng China.

Hindi ganun ang nangyari. Kung dati nasa isang kalsada lang ang mga casino ngayon nagbukas pa sa kabilang dagat kung saan nandoon ang The Venetian.

Ang ginawa kasi ng China, pinagbawal ang casino sa main land China at Hongkong. Kaya ang gustong magsugal, pupunta sa Macao.

Mula Hongkong, ferry boat lang papuntang Macao. Pwedeng balikan sa isang araw.

Sa Pilipinas naman, nagkalat ang casino at kung anong pasugalan ng Pagcor sa buong bansa. Walag sinasanto ang Pagcor, kahit malapit sa simbahan o katabing paaralan, naglalagay ng slot machines.

Kaya hindi lumalago ang ekonomiya, nasisira pa ang buhay ng tao.