Sige, Raul G, magkalat ka pa


Natawa ako sa reaction ni Rep. Roilo Golez sa rekomendasyon ng Integrated Bar of the Philippines na suspindihin ang justice secretary ni Gloria Arroyo na si Raul Gonzalez.

Sabi ni Golez, dahil sa rekomendasyon ng IBP, dapat ng mag-resign si Gonzalez dahil yan ay galing sa kapwa niya abogado. Hindi lang magiging mababa ang paningin sa knayna gpagkatao, pati na rin ang posisyon.

Inulit ni Golez, na kababayan ni Gonzalez (pareho silang Ilonggo), ang kanyang panawagan na ang natira na lamang na marangal na alternatibo para sa kanya ay mag-resign.

Una kasing sinabi ni Golez kay Gonzalez ang magresign nang pinabakasyon ni Arroyo ang mga prosecutors at hindi ang mga taga Philippine Drug Enforcement Agency bilang naiiwang marangal na alternatibo.

Nagalit ni Gonzalez sa PDEA, lalo na kay Major Ferdinand Marcelino, na nagbulgar ng suhulan sa DOJ para ilaglag ang kaso laban sa “Alabang Boys”.

Sabi pa ni Golez, “Ngunit hindi ko naman sinasabi na yun lang ang natitirang alternatibo.”

Oo nga naman. Meron din namang alternatibo na hindi marangal. Ang kumapit sa posisyon.

Ang rekomendasyon ng IBP ay tungkol sa alok ni Gonzalez noong 2007 eleksyon sa mga barangay captain ng Iloilo na magbibigay siya ng P10,000 bawat isa sa kanila na magpapanalo ng Team Unity tiket ni Arroyo ng 12-0 laban sa Genuine Opposition. Sabi ng IBP, nilabag ni Gonzalez ang batas sa eleksyon na nagbabawal ng pambibili ng boto at ng Code of Professional Responsibility for ng mga abogado.

Sampal nga ang nangyari kay Gonzalez noon dahil sa lahat na barangay sa Iloilo, nanalo ang oposisyon, pasok pa si Sen. Antonio Trillanes IV na nakakulong at walang pera para sa kampanya.

Siyempre ang reaksyon ni Gonzalez ay yabang. Wala raw siyang paki-alam sa IBP. Siyempre naman, nakadandal yata siya sa pader ng Malacañang.

Hindi ito unang beses na nahaharap si Gonzalez sa suspension. Apat na taon siyang nasuspindi simula noong 1989, nang siya ay Tanodbayan. Sabi ng Supreme Court ignorante raw siya sa batas ng kinuwestyon niya ang desisyon ng Supreme court sa kasong Zaldivar versus Gonzalez.

Hindi kaya galawin ni Arroyo si Gonzalez. Utang na loob ni Arroyo kay Gonzalez (at kay Sen. Kiko Pangilinan) ang pagproklama sa kanya na nanalong kandidato sa pagka-presidente noong 2004 kahit nandya siya.

Sa akin, ayaw kong mag-resign si Gonzalez habang nasa Malacañang si Arroyo. Ituloy niya ang pagkakalat niya sa DOJ.

Wait, there’s more!: Buy her a gift this Valentines! or send her flowers!

Starting Over Again

I have always wanted to rid my blog of all the noise and outdated entries. The thought of starting with a clean slate has forever tempted me, and after years of resisting, I’ve finally found the courage to overcome my sentimentality and actually do it. Just in time, too, since the new year has just begun, and it’s surprisingly not exactly as hard as I thought to let the other years go.

There’s this nagging idea that perhaps I’d get back the blogging mojo once I stop hanging on to the past. That, perhaps, this move will help me move forward once and for all.

Will this work?

Well, we can only hope. ;)