Kasabay ng pagkalagas ng isa sa pamilya ay ang panahon ng tag-lagas dito sa Canada (Fall season). Hindi pa namin alam na nawala na si Tiyong Pabling ng kuhanan ko ito gamit ang cellphone ko habang naglalakad sa kalyeng madalas kong daanan.
Naka Spaghetti strap pa ako, kunwari hindi ko nararamdaman yung dumadamping lamig sa hubad na bahagi ng katawan ko pero hindi ako nakatiis. Isinuot ko ang sweat shirt na binaon ko bago ako umalis ng bahay.
Habang daan nakita ko ang isang squirrel na umaaligid aligid sa isang bahagi ng lupa sa labas ng soccer court, nagbubungkal ng lupa at naghahanap ng pagkain. Iniisip ko, bakit ang hayop na ito ay kayang mamuhay mag-isa sa gitna ng lansangan…bakit ako hindi.
Sensya na. Fall season kasi. Panahon din ng pagsulpot ng depresyon. Noong una, may nakapagsabi lang sa akin na marami ang nababaon sa depresyon kapag ganitong panahon, hindi ko alam na aatakihin din pala ako nito.
Viewed 30 times by 11 viewers