Mga numerong tumbok sa laman ng tiyan

Ngayon lumalabas ang mga statistics na nakakabahala. Inilabas ng National Statistics Office ang kanilang survey sa araw-araw na pamumuhay at lumabas na noong buwan ng Mayo ang inflation rate ay 9.6 percent. Ito na ang pinakamataas sa mga nakaraang sampung taon.

Ang inflation ay ang pagtaas ng mga bilihin at ang pagbaba ng halaga ng pera.

Ngayon ang statistics ng NSO ay malapit sa laman ng tiyan ng taumbayan hindi katulad noon na panay magandang statistics ang pinapalabas katulad ng 7 percent na growth rate. Kaya tuloy pinaglalandakan ni Gloria Arroyo sa kanyang mga placards sa buong bansa “Ramdam na ramdam ang kaunlaran.”

Ulol. Ramdam na ramdam ang kahirapan.
(more…)

Wait, there’s more!: Don’t have Paypal yet? What are you waiting for? Sign up now!