Makiramdam. Maghanda. Kumilos

Lahat na nakaka-usap ko na nakikiramdam sa nangyayari ngayon sa sitwasyon pampulitika sa bansa ay nagsasabi na magbantay at maghanda ng husto sa susunod na linggo. “Mula February 25 hanggang March 31,” sabi ng isang source.

Padami-dami na ang mga sector na lumalantad at nagpapahayag ng kanilang galit sa ginagawa ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga alipores na pagyurak ng demokrasya sa Pilipinas. Ang mga dating walang paki-alam katulad ng mga negosyante sa Makati, mga pare at madre at mga kabataan ay sumasali na.

Ako ay pagod na pagod na sa kaka-martsa para sa katotohanan at hustisya na niyurakan ni Gloria Arroyo at may mga panahon na sabi ko tanggap ko na pinapabayaan na ng Panginoon ang Pilipinas. Para bang hinahayaan na tayong malugmok sa katiwalian sa kung anong rason na hindi ko ma-intindihan.
(more…)

Wait, there’s more!: Buy her a gift this Valentines! or send her flowers!