Nakita ko na naman sila. Ngayon medyo malinaw na sila sa litrato dahil kahit malayo nasa tapat ko lang sila. Pero noong nakita nila akong nakatutok sa kinaroroonan nila, mabilis tumakbo yung dalawa. Noong una pakiramdam ko nakikipagtitigan sila sa akin sa tuwing makikita ko sila. Malayo man, alam ko na alam nila na pinagkakatitigan ko sila.
Noong minsan sa tapat mismo ng deck sila nakatambay. Naghahanap ng makakain. Nang nararamdaman ng usa na may mga matang nakatanghod sa kanya, bigla siyang humalinghing na parang kabayo. Sabay takbo sa gilid ng bahay papunta sa isang sulok ng mga puno.
Iniisip ko kung makikita kaya sila ni Aya, ano ang gagawin ng bata? Ahhh alam kong hindi sya matatakot, mas matapang sa akin ang batang yun e.
At iniisip ko rin dahil sa parang haling akong makakita ng mga usa sa malapitan, baka pag nagtagal ako dito maisipan kong mag-alaga ng usa. Pero malabo. Saka hindi na sila pagtatyagaang hantingin pag nangyari yun. Wala ng thrill.