Hacking Unpatched IEs

This cool hacking video tutorial shows how a hacker could put malware into a webserver and then use it to infect unpatched IE (Internet explorer) browsers to load the exploit code into victim units. The hacking tool will then connect to the IRC channel and await further commands from its 'master'.

This video is courtesy of Ian Wate. Visit his security blog.

The lesson here is to always patch your systems. This attack would not work on systems that are fully patched. Get anti-virus software as an added measure of protection as well.

Change is Inevitable, Change is Constant

Sa syudad ako pinanganak. Kung itatanong mo kung saang syudad, taas noo kong sasabihing “doon sa malapit sa malabundok na basura.” Doon kung saan nakilala yung mga sputnik at sigue-sigue gang na nagpapalitan ng taga, sumpak at pana.

Lupa ang kinamulatan kong tinutuntungan ng paa ko. May mangilan-ngilang puno akong kinakapitan, habang sa isip ko ay kumakanta ako. Palagay ko ay mga kantang kundiman na napapanood ko sa mga lumang pelikula sa tanghali. Mga pelikulang magkasabay naming pinapanood ng aking lola. At sa harap ko naman ay ang mga bangka na nakahimpil sa gilid ng mga lambak ng basura.

Iyong lambak ng basura, ilog sana iyon pero hindi na makita.

Ibayo ang tawag namin sa mga nakahilerang bahay sa tapat pagkalagpas ng ilog. Malinaw pa ang itsura ng mga reta-retasong plywood na ginawang bahay. May mga mala kurtinang mga sako na siyang ginawang pantabing sa pintuan.

Habang lumalaki ako, kasabay ng pagtigas ng mga lambak ng basura sa ilog hindi pa rin mapagkit sa isip ko ang itsura ng mga kabahayan sa ibayo. Sa pagdagdag ng mga panahon, iniisip ko kung ano ba ang nabago. Nabawasan ba ang ang mga retaso ng plywood? Bakit parang nag-iba ang bintana. Uy mukhang babagsak na ang kabilang bahay.

Naalala ko tuloy noong una kong napanood yung pelikulang Insiyang ni Hilda Koronel. Tuwang-tuwa ako dahil sa halos lahat ng lakaran nyang iskinita ay alam ko. Ultimong yung binibilihan ko ng mga kendi ay naging tambayan ng mga karakter ng pelikula.

At iyon rin ang naging batayan ko para ikumpara ang itsura ng kinalakihan kong lugar noon at ngayon (yung ngayon ay nung mga panahong napapansin ko na yung malaking pagbabago)

Noon ko naisip na inevitable ang pagbabago. Na kahit na ano pang gusto kong pananatili na sa iba’y nakasusulasok ng lupang pinanggalingan ko ay hindi pwedeng mangyari yun.

At ngayon sa sarili ko, nararamdaman ko na mayroong isang depenidong pagbabagong naglalaro sa isip ko. Hindi ko lang alam kung kakayanin kong gawin. Pero desidido ako dahil gusto ko ng pagbabago.