Parang wala na rin ang ‘live coverage’ desisyun ng SC sa Maguindanao masaker trial

Update:

Malacañang statement:

In keeping with the President’s longstanding position that the cause of justice and sustained reforms in ARMM require live coverage of the Maguindanao Massacre Trial, Secretary Herminio Coloma of the PCOO has instructed NBN4 to undertake a gavel-to-gavel coverage of the trial.

Related links:

http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2011/june2011/10-11-5-SC.htm
http://www.gmanews.tv/story/223349/nation/sc-allows-live-coverage-of-maguindanao-massacre-trial

http://harryroque.com/

We should never forget this.

Binabawi ko na ang aking palakpak sa desisyun ng Supreme Court na pinapayagan ang TV na magkaroon ng live broadcast ng trial ng Maguindanao masaker.

Sa dami ng kundisyunes na binigay ng Supreme Court para makapag-cover ng live ang TV, Malabo na rin mangyayari.

Ayun sa desisyun na sinulat ni Justice Conchita Carpio-Morales na sinang-ayunan naman ng lahat na justices, isang TV camera lang ang papayagan sa loob ng korte kung saan doon kukuha na ng “feed” ang ibang TV networks.

Walang problema sa kundisyun na ito. Nagawa na ito sa ibang kaso katulad ng kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi rin ng SC na kapag nagsimula ang coverage ng isang TV station sa araw nay un, dapat tuloy-tuloy hanggang matapos. Walang kumersyal, walang station break, walang voice over o kumento mula sa reporter.

Ito ang imposible. Kadalasan tatlong oras ang hearing sa umaga. Ibig sabihin noon, tatlong oras nakatutuk ang camera sa hearing, kahit ang pinag-uusapan ay mga administrative matters at hindi man lamang maka bigay ng summary o background ang reporter?

Ang mangyayari dito, lilipat ng estasyun ang mga mai-inip na manonood.

Ang maglalabag daw sa mga kundisyunes ay kakasuhan ng contempt of court at iba-ban na sa coverage ng kaso.

Walang kumersyal? Laking lugi yan sa TV networks. Hindi na sila magkuku-cover nyan.

Ang hindi katanggap-tanggap ay nagiging editor na ang Supreme Court sa desisyung ito. At halatang wala silang alam sa media.

Nagdesisyun na sila kung alin ang dapat ipalabas. Ang karapatan na yan ay sa media.

Sabi nga ni Harry Roque, ang abogado ng marami sa mga pamilya ng namatay na mga journalists, “Tama ang desisyun ng Supreme Court na ang live coverage ay hindi lumalabag sa karapatan ng akusado ngunit dapat ikunsidera ang mga kundisyunes na lumalabag sa malayang pamamahayag.”

Kaya naman ng petisyun ang mga news organization na magkakaroon ng live coverage ay para patuloy na masundan ng taumbayan itong karumal-dumal na krimen. Noong Nobyembre 23, 2009, pinagpapatay ng mga miyembro ng pamilyang Ampatuan sa pamumuno ni Andal, Jr, dating mayor ng bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao ang 58 na taong kasama sa convoy ng kanilang kalaban sa pulitika na si Esmael “Toto” Mangudadatu, na ngayon ay gubernador ng Maguindanao.
Sa 58 na biktima, 32 ay mga reporter na magku-cover ng pagpa-file ni Mangudadatu, sa pamagitan ng kanyang asawa, ng kanyang kandidatura.

Kung hindi ibahin ng Korte Suprema ang guidelines sa coverage, wala ring TV ang magku-cover. Parang wala na ring halaga ang desisyun.