Ito ang kuwento ni dating congressman Ruffy Biazon at ng kanyang asawang si Trina na sinulat nila sa kanyang blogs.
Nagbakasyon daw sila sa Boracay, sakay ng Cebu Pacific noong isang linggo. Okay ang biyahe nila papunta. Okay rin ang kanilang bakasyon. Ang kanilang horror story ay nangyari noong pabalik na sila sa Manila.
Sabi ni Ruffy, meron daw offer ang Cebu Pacific na kung gusto mo, pumili ka ng upuan mo in advance. Magbayad ka lang ng extra. Dahil kasama niya ang tatlong anak na ang pinaka-bunso ay apat na taong gulang ( ang isa ay 8 at ang pinakamatanda ay 15 taong gulang), nagpa-reserve sila at nag bayad ng extra. Anim sila, kasama ang yaya.
Nang sumakay na sila at naka-upo na sila sa front row, dahil yun ang kanilang pina-reserve, pinapalipat sila dahil bawal daw ang batang mas bata kaysa 15 taong gulang sa upuan nay un dahil yun ang nasa-exit.
Sabi ni Trina, bakit noong nagpa-reserve at nagbayad kami ng seat numbers, hindi nyo sinabi na bawal pala ang bata. Sinabi naman namin ang mga edad ng mga bata. Ang sagot daw ng stewardess, ““Alam nyo po ba na ito yung eroplanong gagamitin noong nag reserve kayo ng seats?”
Antipatika, ano. At alam ba naman ni Trina yun? Bakit kayo may promo na maaring pumili ng seat number ay hindi nyo naman pala maibigay sa customer?
Ang masama pa, pinapa-transfer nga sila, hindi naman sila tinutulungan ng mga sterwardess samantalang may baby na hawak si Trina na umiyak na dahil inaantok. Pinapamadali pa sila. Sabi daw ng antipatikang stewardess, “Mam, makipag palit na kayo ng upuan para maka lipad na ang eroplano.”
Sabi nga ni Trina, ako ba ang may kasalanan na nagkagulo-gulo ang seating arrangement? Mabuti lang hindi marunogn magmura si Trina kaya ang nasabi lang niya ay, “Bakit hindi nalang kayo ang mag- ayos ng seats namin!”
Nagmamadali siguro ang stewardess na mag sayaw . ‘Yan kasi ang kanilang gimik ngayon – ang sumasayaw na stewardesses.
Dapat ang ituturo ng Cebu Pacific ay pag-asikaso ng pasahero at hindi ang pagsasayaw.
Nang dumating sa Manila, gusto ni Ruffy magsumbong sa kanilang manager. Tinuro siya sa third floor. Siyempre ayaw naman ni Ruffy iwanan ang kanyang mag-anak. Ayaw naman bumaba ang manager. Kaya yan, sinulat na lang ni Ruffy para babala sa publiko.
Kung maari lang, iniiwasan kung sumakay sa Cebu Pacific bilang protesta sa ginawa nila sa special child nun na hindi nila pinasakay at sa kidney organ na hindi nila rin isinakay na dapat ay gagamitin sa transplant.
Ang promo ng Cebu Pacific ay murang pamasahe. Kulang naman sa asikaso sa pasahero.
Wait, there’s more!: Buy her a gift this Valentines! or send her flowers!