Related stories in ABS-CBN online: Human Rights chief hits Chavit’s arrogance
Pacquiao supports Chavit
Gloria and Chavit
Palagi natin sinasabi na pagpasensyahan na lang si Gloria Arroyo hanggang Mayo ng 2010. Total, siyam na buwan na lang yan.
Ngunit sa araw-araw na nangyayari, makikita natin na delikado itong natitirang siyam na buwan dahil una, hindi pa talaga nawawala ang posibilidad na gagawa sila ng hakbang na manatili sa kapangyarihan. Dahil maigsi na ang panahon na natititira, lalo silang nagiging garapal.
Pangalawa, maraming pinagkaka-utangan si Arroyo sa kanyang nakaw na pagka-pangulo at lahat yun nag-iisip rin ng proteksyun para sa kanilang sarili. Sanay sila sa pagbastos o pagbaluktot ng batas. May magagawa ba si Arroyo?
Ang kasagutan sa tanong na yan ay nakikita natin sa kanyang reaksyun sa ginawa ni Chavit Singson, ang kanyang national deputy security adviser, sa kanyang dating kabit na si Che Tiongson.
Nakita ng publiko ang hindi makataong ginawa ni Chavit kay Tiongson, ina ng kanyang limang anak ng mahuli niyang kasama ang boyfriend. Nilatigo niya na parang hayop. Ang balita, hinubaran ng kanyang mga bodyguard ang boyfriend ni Che, binugbog. May nagsabi nga na minartilyo ang ari. Ewan kung totoo.
Nakita rin ng publiko kung gaano kayabang si Singson sa kanyang panindigan na tama ang kanyang gianwa. Mabuti pa nga raw at hindi niya pinatay.
Ngunit sa gitna ng ganitong karahasan ng miyembro ng gabinete ni Arroyo (kung paano naging miyembro ng gabinete si Singson ay isang bagay rin na nagpapakita ng klase ng gobyerno ni Arroyo), ano ang sabi ng Malacañang? “Behave”. O magpakabait ka. Yun lang.
Babae si Arroyo. Hindi ba siya nakaramdam ng galit sa ginawa ni Chavit?
Ito namang mga opisyal ni Arroyo katulad nitong si Remonde. May mga anak silang babae. At kung ginawa sa anak nyo ang ginawa ni Chavit kay Tiongson?
At tama ang isyu na tinanong ng mga reporter, pera ba ng taumbayan ang ginamit ni Singson sa pag-matyag kay Tiongson?
Sa malamyang reaksyun ng Malacañang sa ala-gangster na ginawa ni Chavit, ang nakikita ng tao ay takot si Arroyo kay Singson. At alam din ng lahat kung bakit.
Alam naman ng lahat na kung hindi kumanta si Singson laban kay dating pangulong Joseph Estrada, wala si Arroyo ngayon sa Malacañang. Ay kung kumanta rin si Chavit sa mga baho ni Arroyo?
Nagpahiwatig nito si Singson sa gitna ng kontrobersiya sa Poro Point sea port ng gusto niya kunin ang kontrata sa isang kumpanya na may legal na kontrata. Nagkandarapa noon si Arroyo magtawag ng miting para maayos ang gulo na yun.
Marami pang pinagkautangan si Arroyo wala siyang magawa para rendahan ang mga yun sa pambabastos ng batas at ng bayan dahil siya mismo guilty sa ganyang gawain.
*******************************************************
Excerpts from the interview with Che Tiongson by Philippine Entertainment Portal:
The difficult part is simple enough to see. Che has no skills to get herself employed in a job that will pay for rent and food, much less send five children to private school. Neither does she have money or connections to start a business, no matter how modest. She was plucked at 19, when she had just begun college. She has not studied since and has never worked. She is finding, she says, that she was raised to be a dependent.
“No work. Hindi na ako nag-aral. Hindi naman ako tinuruang mag-negosyo, ganun. Parang ginawa lang akong housewife kasi gusto niyang maging dependent na ako sa kanya. Habang nagsasama kami, yun ang gusto niya talaga. Kapag nagbigay siya sa akin, very minimal. Talagang very minimal, kasi nga ayaw niya talaga na parang magkaipon ako.”
“Sa seventeen years naming nagsama, hindi talaga ako kumukuha sa kanya. Ganyan ang pagkatao ko. Kahit kailangang-kailangan ko na, hindi talaga ako ganun. Hihingin ko na lang kesa kunin ko.”
“Pero, I think, pagbigay, e, bigay na yun, e. Kung anumang gawin ko dun, akin na yun. Wala siyang binigay sa aking property na nakapangalan sa akin. Lahat—walang negosyo, walang properties. Gusto nga niyang maging dependent ako.
“Yung car ko, sa akin nakapangalan, kaso nung pinaalis niya ako, nung nangyari ito, damit ko lang talaga bitbit ko. Naiwan ko yung car ko, siyempre. Wala na yung car. Wala na lahat yung gamit. Kaya hindi ako dun [Corinthian house-apartment] ngayon natutulog, kasi walang bed, walang laman, wala lahat. Tinanggal nung Sunday [August 30].”
“Ang isa pang torture ko diyan, yung pag-aari niya ako, na pupunta siya dun [Corinthian house-apartment] any time gusto niya. Para galawin lang ako. At yun lang talaga ang purpose niya. Pupunta siya dun, ayun, ‘tapos alis na siya.
“Pag nag-no ako, ganito yun, may panakot na, ‘Hindi mo na makita yung mga bata!’ Parati ko silang tsini-check. ‘O sige, papuntahin mo yung mga bata rito.’ Sinusundo ko sa school, sabay-sabay kong hinahatid. Yung mga ganun na lang, na kahit every day nakakausap ko sila, nakikita ko sila.”
In fact, she says, he was there on August 22, a Friday, the day before he beat her up. “Grabe siya. Ginalaw pa niya ako nung Friday, na parang wala siyang balak gawin. Na meron pala siyang plano na sundan ako, at gagawin iyon [to beat her].”
. Parati ko ngang sinasabi, akala ng iba, ang sarap-sarap ng buhay ko. Totoo, dahil totoo naman, na-experience ko rin yung mga ‘yang luxurious life, na nagbiya-biyahe ka, ano, ganun. But ang kapalit nito… does that make you happy? At the end of the day, are you happy?”
“Yung relationship namin, parang bangko, na dapat deposit nang deposit. Ang nangyari sa amin, withdraw nang withdraw, hanggang sa nagiging negative. Kasi yun na nga yung nawalan ka ng respect, ng trust.
For the complete article, click here (PEP)
Wait, there’s more!: Get cheap domain & hosting from plogHost Powering Ellen’s blog since 2005.