Update: I thought we heard the last of Arroyo’s silicon breast implant with Malacañang’s admission but here’s the NBI entering the picture:
NBI probes ‘boob job’ leak
Si dating Pangulong Cory Aquino ay nasa maselang lagay dahil sa kanyang sakit na colon kanser at pinagdadasal natin bigyan siya at ang kanyang pamilya ng lakas sa pagsubok na dumadaan sa kanilang buhay.
Ito naman si Gloria Arroyo ang pinag-uusapan ng mga tao ay ang kanyang problema sa kanyang pekeng boobs.
Siyempre, katulad ng dati, kung ano-anong kuwento ang ginawa ng Malacañang. Nang nabuking na, saka nalang umamin.
Ang drama ng Malacañang kung bakit pumasok sa Asian Hospital si Arroyo noong noong Miyerkules, pagdating niya galing sa kanyang biyahe sa Japan, Colombia (na sinikreto rin sa taumbayan hanggang nabuking), Brazil at Hongkong ay quarantine daw dahil sa AH1N1. Kahit na sinabi na ng Department of Health na hindi na kailangan ang quarantine. Ang ibang kasama nga niya sa biyahe hindi na nag-quarantine.
Unang lumabas ang report tungkol sa mammoplasty (ang paglagay ng silicon sa loob ng suso para lumaki) ni Arroyo sa Manila Bulletin noong Huwebes. Kaagad sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita at Press Secretary Serge Remonde na hindi totoo ang balita tuingkol sa pagretoke ng boobs ni Arroyo.
Kahit na marami ng reports na lumabas pa, pinipilit pa rin ni Remonde na hindi totoo. Sa TV Patrol, namimilipit siya kung paano ibenta ang kanyang pekeng bersyon. Sabi niya ang mga nagpapa-implant lang daw ay ang mga seksing artista na makikita mo naman na hindi kapani-paniwala ang mga boobs. “We can’t say the same for the president.” (Hindi natin masasabi ‘yan sa Pangulo), sabi pa niya.
Aba, nang “Bandila” na, ang halos hatinggabing news program ng ABS-CBN, nag-iba na ang tuno ni Remonde. Inamin na na totoo raw na nagkaroon ng silicon implant si Arroyo noong mga taong 1980s. Medyo nagkaroon ng problema kaya pina-biopsy. At ang resulta daw ay “negative.” Ibig sabihin, hindi cancerous. May report din na may kinuhang cyst daw sa hita.
Ang mahalaga, sabi ni Remonde, ay lumabas sa check-up na maganda ang kalusugan ni Arroyo.
Kung ano-anong biro na ang lumabas tungkol sa boob job ni Arroyo. Sabi nga ng isa sa aking blog, ano na lang ang natirang hindi peke kay Arroyo? Sagot: “Ang kanyang kasakiman. Orig yun.”
Alam naman ng lahat na karamihan sa mga Pilipino ay galit kay Arroyo at iyun ay lumalabas sa mga komento tungkol sa kanyang boob job. Ito ang isa na talagang sumakit ang tiyan ko sa kakakatawa galing sa isang blogger na nangangalang Tongue-Twisted:
Dati, ang boobs ni Putot ganito |_|_|
Kaya nung 1980’s nagpagawa siya ng ganito (*)(*)
Pero nung isang araw, pumutok! (x)(x)
Kaya pinaayos niya dahil hindi na pantay (o)(O)
Naayos na kaya ganito na siya ngayon (oYo)
h
Wait, there’s more!: Earn money from your blog! Sell link ads and blog your way to the bank.