The Baroque Church of Santa Maria Ilocos Sur

When I recently visited the Ilocos Region, I included the Santa Maria Church in my travel itinerary. It?s my second time to be in this place but I still feel excited to see this masterpiece once again.

santa maria ilocos sur  00006

The Church of Santa Maria sits on a hill and one needs to climb the 85 steps made of granite slabs that has been imported all the way from China. Thick buttresses were built on its side to protect it from strong earthquakes.

The Baroque Church of Santa Maira Ilocos Sur, built during the Spanish times also served as a citadel before.

santa maria ilocos sur  00005

What I really liked about this church is its symmetry. Its belfry is also a stunner. The four-level octagonal shaped belfry still rings its bells to call people to gather during Sunday Masses.

santa maria ilocos sur  00008

The Church in Santa Maria, Ilocos Sur, which has been dedicated to Our Lady of Assumption (Nuestra Se?ora dela Asuncion), is one of the four Baroque Churches in the Philippines that has been inscribed as a UNESCO World Heritage Site.

You like reading this blog post? You might also be interested in BYAHILO's other adventures at Sugarloaded!

The Baroque Church of Santa Maria Ilocos Sur

Droga sa administrasyong Arroyo

Hindi ako nagulat sa balita na may mga opisyal si Gloria Arroyo na sangkot sa pagpalaya ng mga personalidad na dawit sa paglalako ng droga.

Ipinangalanan ni Maj. Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency, si Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor na siyang tumawag sa kanya para i-release sina Richard Brodett, Jorge Joseph, at Joseph Tecson na nahulihan na may dalang marijuana, Ecstasy at cocaine noong Septiembre.

May resolusyon na kasi ang Department of Justice na napirmahan ni State Prosecutor John Resado na inirekomenda naman ni Senior State Prosecutor Philip I. Kimpo na aprubahan at inaprubahan naman ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.

Sa DOJ resolusyon, dismissed ang kaso laban sa tatlo dahil ilegal daw ang pagkahuli sa kanila. Ibig sabihin,teknikal ang ginamit na rason. Hindi inisip nitong mga opisyal ang buhay na nasisira ng droga.

Sabi ng PDEA itong sina Brodett, Joseph at Tecson ay kasama sa sindikato na nasu-supply ng mga binawal na gamot sa mga clubs at bars sa Metro Manila.

Sinabi ng PDEA na nagkaroon ng bayaran na P50 milyon para sa DOJ resolusyon. Sila din mismo raw nakatanggap ng alok, tatlong beses at ang pinakamataas ay P20 milyon.

Inamin ng tatay ni Joseph na si Johnny “Midnight” Joseph na kinausap niya si Marcelino ngunit ang kanyang inalok daw ay tulong sa kampanya laban sa ilegal na droga sa kanyang programa sa TV. Pambihira naman. Patigilan na muna niya ang anak niya sa paglalako ng droga bago siya magkampanya sa iba.

Ito naman si Blancaflor, “public assistance” lang naman daw ang tawag niya kay Marcelino. Magaling talaga pumili ng dapat i-assist itong mga opisyal ni Arroyo, ano.

Ngunit ano ba naman ang inaasahan natin sa isang administrasyon na walang moralidad. Marami na akong narinig tungkol sa isang pulitiko na nagsa-shabu.

Ito lahat ay pinag-uusapan ngunit hindi maa-aring sulatin dahil mahirap maghanap ng ebidensya. Grabe ang organisasyun ng ilegal na droga. Alam kung napasok nila ang mga pulis, military, at mga korte. At kung sa patayan, walang kiyeme ang organisasyoin na ito pumatay.

Naala-ala nyo ang nangyari kay Ensign Philip Pestano, PMA Class ‘93 na natagpuang patay sa isang navy ship galing Cavite. Pinalabas ng Navy na nag-suicide na hindi naman kapani-paniwala. Ang usa-usapan sa Navy ay nadiskubre ng batang opisyal na ang kanila palang tina-transport ay ilegal ng troso at droga. Hindi siya pumayag. Kaya siya pinatay. Dahil walang naparusahan, masasabi natin na buo pa ang sindikato sa Navy.

Meron din yung kaso ng dating mayor ng Panukulan, Quezon na si Ronnie Mitra na nahulihan na nagta-transport ng shabu gamit ang ambulansya noong 2001. Nasentensyahan siya ng habambuhay sa kulungan.

Pandaraya sa eleksyon, corruption, jueteng,droga. ‘Yan ba gusto natin?

Wait, there’s more!: Send Money to the Philippines Remit2Home - it’s fast, easy and reliable.